Mag-utol na mangingisda sa Pangasinan nawawala

PINAGHAHANAP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang magkapatid na mangingisda na hinihinalang tinangay ng malalaking alon habang nangingisda sa karagatang sakop ng Agno, Pangasinan.

Ayon sa PCG-Pangasinan, pumalaot ang magkapatid na sina Arnulfo Yares at Fernando Yares, residente ng Bubong Sabangan, Agno, Pangasinan, noong Oktubre 10  sa kabila ng gail warning na ipinalabas ng PCG.

Mula noon ay hindi na umano nakauwi pa ang magkapatid na sakay ng kanilang motorized bangka na kulay skyblue at may marking na “Frank.”

Nagpalabas na ang PCG ng flash alarm sa lahat ng himpilan ng kapulisan hindi lamang sa lalawigan ngunit maging sa karatig pang probinsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply