Mag-utol timbog sa pot session

KALABOSO ang isang mag-utol makaraang mahuling nagpa-pot session sa mismong tahanan ng kanilang ina sa Dagupan City.

Kinilala ni SPO3 Salvador Cacho, duty investigator ang mga nahuli na sina Ryan Dioquino, 29, ng Bonuan Tondaligan at  Eric Dioquino, 37,  ng PNR site ng naturang lungsod.

Naaktuhan ang dalawa na humihithit ng illegal na droga sa tahanan ng kanilang ina na kinilalang si Nora Dioquino sa PNR Site Barangay Mayombo.

Narekober sa naturang lugar ang dalawang empty plastic sachet, pitong aluminum foil strip, isang plastic straw at lighter.

Nakapiit ngayon ang dalawa sa Dagupan City PNP na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 makaraang magpositibo sa isinagawang drug test.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply