Magandang panahon, maaasahan sa Undas – PAGASA

BAGAMA’T makararanas ng pag-ulan ngayon sa buong maghapon ang Metro Manila, asahan naman ang bahagyang pagbuti ng panahon sa Undas.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Administrator Nathaniel  Servando, sa ngayon ay wala silang namataang panibagong sama ng panahon sa labas ng bansa na susunod sa bagyong Ofel.

Gayunman, pinayuhan ni Servando ang mga magtutungo sa mga lalawigan at sementeryo na magdala pa rin ng mga payong at panangga sa ulan dahil may posibilidad pa rin na magkaroon ng manakanakang pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply