Magandang panahon mararanasan sa buong bansa

MAKARARANAS ng maaliwalas na panahon hanggang may bahagyang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi ang buong bansa, ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bahagyang pag-ulan ay bunga ng northeast monsoon o hanging Amihan na siyang nakaaapekto sa ating bansa.

Dahil dito, asahan na ang pag-ihip ng hangin mula sa hilagang silangan na magdudulot din ng katamtamang pag-alon ng karagatan.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ngayong araw ay naglalaro mula dalawamput 22 hanggang 33 antas ng sentigrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply