Magbibiro ng suicide sa LRT, makukulong

NAGBABALA ang Light Rail Transit Authority sa mga pasahero na magbibiro na magtangkang magsu-suicide sa mga platform ng LRT, na maari silang makulong sa pagkukunwaring tatalon o magpapakamatay .

Ayon sa tagapagsalita ng LRTA na si Hernando Cabrera, ikinukunsidera ng ahensya na isang kasong kriminal ang pagbibiro na may gagawing masama ang isang tao na magdudulot ng pangamba at takot sa publiko sa mga sakop na lugar ng LRT at pagkadiskaril ng operasyon dito, na makaka-apekto sa daloy ng komersyo at delay sa trabaho ng mga tao ,na may kaparusahang pagkakakulong mula dalawa hanggang 12 taon.

Noong nakaraang Agosto, isang babae na nag-aabang ng tren ang bigla na lamang tumalon sa riles ng LRT kung saan nasagasaan ito ng paparating na tren na kanyang ikinamatay .

Naantala ang operasyon ng LRT 1 ,kayat napilitan ang LRTA na lampasan ang EDSA station na ikinaresulta ng mga na-stranded na pasahero sa mga istasyon nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply