Magkakamag-anak sa pulitika, binatikos ni FVR

MAKARAANG lumantad ang mga kakandidato na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) binatikos ni dating Pangulong Fidel Ramos ang magkakamag-ank na pumasok sa larangan ng pulitika sa susunod na taon.

Sa kanyang departure statement sa NAIA 2, hindi na nakatiis si Ramos na nagsabing lumalala na ang ‘dynastism’ sa bansa.

Bagama’t tumangging magbanggit ng mga pangalan, inihayag ni FVR na kapansin-pansin na pawang magkaka-pamilya ang mga naghain ng kandidatura sa Comelec para sa 2013 Mid-term elections.

Ayon kay Ramos, naniniwala siya na ang ganitong sistema ay hindi hinahangad ng mga botante.

Magugunita, kahapon ay humarap si Ramos sa media sa NAIA bago lumipad patungong Singapore para dumalo sa isang speaking engagement.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply