Magkalaguyo huli sa lodging house, kalaboso

SWAK sa Pendatun PNP detention cell ang isang mister at ang kanyang kalaguyo nang maaktuhan na magkasama sa isang kwarto sa lodging house sa General Santos City kaninang madaling araw.

Nahaharap sa kasong concubinage ang mister na nakilalang si Alberto Estorpe, security guard ng isang FM station sa nasabing lungsod habang ang kalaguyo naman nito na isang biyuda na hindi pinangalanan ay kakasuhan ng adultery.

Ayon sa pagsisiyasat, matapos ang kanyang duty, pumasok si Estorpe sa lodging house kasama ang naturang kalaguyo pero hindi namalayan nito na sinusundan na pala sila ng kanyang misis.

Matapos makumpirma, tinawagan ng misis ni Estorpe ang mga pulis para humingi ng tulong kung ano ang dapat na gawin.

Sinamahan naman ng mga pulis ang misis ni Estorpe papuntang lodging house at nang katukin at buksan ang pinto ay narooon ang dalawa na ang babae ay nakahiga na sa kama.

Pero nilinaw naman ng mga pulis na wala naman silang nakitang masamamg ginagawa ang dalawa sa kuwarto sa lodging house.

Gayunpaman, desidido ang misis na magsampa ng kaso laban sa kanyang mister at sa kalaguyo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply