Magkuya na sumaksak sa kainuman, tinutugis

TINUTUGIS na ng pulisya ang isang magkapatid na sumaksak sa kanilang kainuman sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ang magkapatid na sina Randy Supat, 21-anyos at ang 14-anyos na high school student ng Commonwealth High School na hindi pinangalanan dahil menor de edad ang itinuturong sumaksak sa biktimang si Jeffrey Bunyao, 19-anyos, pawang mga residente ng Fatima St., Barangay Dona Carmen, Barangay Commonwealth.

Si Bunyao ay idineklarang dead on arrival sa Fairview Genaral Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Julius Valbuena ng QC Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang insidente dakong ala 1 ng madaling araw sa nasabing kalsada.

Bago ito, matagal nang may alitan si Bunyao at ang batang Supat kaya nagkasa ang kanilang mga kaibigan ng inuman para sila ay pagbatiin.

Pero sa kalagitnaan ng inuman, dumating sa umpukan ng mga nag-iinuman ang suspect na si Randy at kinompronta agad si Bunyao na humantong sa umaatikabong suntukan.

Nang maawat ang gulo, umuwi ang magkapatid na Supat pero ilan sandali lamang ay bumalik sa lugar na may dalang kutsilyo at agad sinaksak si Bunyao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply