Magnanakaw hinabol: Lolo todas sa cardiac arrest

TEPOK ang isang lolo makaraang ma-cardiac arrest matapos habulin ang mga magnanakaw sa Barangay 18, Laoag City.

Kinilala ang biktima na si Wilson Tolentino, 52, construction worker, ng Brgy. Guerrero, sa Dingras, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat, hinabol ng biktima ang umano’y magkapatid na kapwa menor de edad nang nakawin ng mga ito ang mga scrap material.

Nang abutan ng biktima ang isa ay bigla na lamang tumumba ang matanda at nalagutan ng hininga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply