Magnitude 3.8 na lindol tumama sa Bulacan; pagyanig naramdaman sa MM

NIYANIG ng magnitude 3.8 na lindol ang Bulacan ngayong alas-10:07 ng umaga na naramdaman sa ilang lungsod sa Metro Manila gaya ng Quezon City, Marikina, Taguig at Pasig City.

Sa ulat sa radyo, ayon sa Philippine Institute of Volcanalogy and Seismology, natagpuan ang epicenter ng lindol sa 31 kilometers (km) northeast ng Dona Remedios Trinidad, Bulacan.

Nabatid na may lalim na 13 km ang lindol at tectonic ang origin na ang ibig sabihin ay may gumalaw na local na faultline.

Sa naturang ulat din, sinabi ng NDRRMC na nakaantabay sila sa posibleng aftershocks.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply