Magnitude 5 na lindol tumama sa Eastern Samar

MULING niyanig ng lindol ang lalawigan ng Eastern Samar, kaninang umaga.

Dakong alas-6:58 nang tamaan ng magnitude 5 na lindol ang naturang lalawigan

Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng pagyanig sa 87 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Guiuan.

Wala namang nasugatan o napinsalang gusali sa naturang lindol na tectonic in origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na asahan na ang mga aftershock matapos ang pagyanig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply