Magpinsan nanggulpi ng traffic enforcer, kalaboso

SABAY na humihimas ngayon ng rehas ang magpinsan na lalaki matapos pagtulungang gulpihin ang isang traffic enforcer sa Malabon, Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Richard, 43 at Michael Bautista, 20 kapwa ng Bilgomer St., Sangandaan ng lungsod.

Bukol at pasa naman ang inabot ni Noliboy Dela Cruz, 30 miyembro ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi, nagmamando ng trapik ang biktima sa Samson Road ng lungsod nang lapitan at pagtulungan gulpihin ng mga magpinsan.

Napadaan naman ang mga kasama ng biktima na sakay ng patrol car at nang makita ang kaguluhan ay agad na sinaklolohan ang kasama at dinakip ang magpinsan at binitbit sa presinto.

Inaalam na ang dahilan ng pambubugbog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply