Mahal ng mga Aklawenyo

SA pulitika, bentahe ang mga may pera, iyan ang katotohanan na ‘di mapasisinungalingan ng mga nasa poder ngayong mga politiko.

Dahil ang pulitika ay  napakagastos na larangan, kailangan ang malaking halaga para manalong mayor, gobernador o kaya’y kongresista.

Sa Luzon, Visayas at Mindanao, tumingin ka sa kaliwa’t kanan at ang makikita mong mga nakapuwesto ay mga milyonaryo.

Kumbaga, mabibilang lang ang mga opisyal ng bayan na kahit ‘walang pera’ ay nailuklok para maging public servant.

Isa sa kanila ay si Tony Maming, ang alkalde ng Banga sa lalawigan ng Aklan na nasa-ikalawang termino ngayon ng panunungkulan.

Maliit na negosyante lamang si Maming bago naisipang pasukin ang pulitika noong May 2007 at pinalad na magwagi.

Ito’y sa kabila ng mga dambuhala, mayayaman, makapangyarihan  at kilalang mga pulitiko sa lalawigan
na naging mga katunggali.

Nagawang ilampaso ang mga kalaban dahil sa suporta ng mga kababayan sa kabila ng pagkandidato  noon na walang partido.

Sa nakaraang filing of certificate of candidacy, kongresista ang nais na sungkitin ni Maming, kalaban ang isang ‘bilyonaryo’.

Pero, ‘di nababahag si Maming  dahil, aniya’y nasa-likod niya ang mga kababayan na magda-dala sa kanya sa Kongreso.

Walang pera, ‘di mayaman pero sandata niya ang pagtitiwala ng mga Aklawenyo na naniniwala sa kanyang pagseserbisyo.

Aniya, “Mahal ako ng mga Aklawenyo at ‘di ako pababayaan sa aking laban kahit pa sandamukal ang pera ng aking makatutunggali”.

Kung sabagay, ano ang silbi ng isang ‘bilyonaryo’ kung ang maipagmamalaki lamang na kuwalipikasyon ay ang kanyang limpak na salapi.

Wala man itong pera, ang maipagmamalaki ko – ani Maming – ay ang aking pagiging totoong tao na handang magsilbi sa mga Aklawenyo.

BOOKIES RAID

Nagsagawa ng pulisya ng raid sa mga Small Town Lottery-bookies sa San Juan at Bauan sa Batangas at nahuli ang ilang katao kahapon.

Kailan kaya lulusubin din ng mga tauhan ni Col. Rosauro Acio ang STL bookies nina Jun Ocam-po ng Brgy. Bagbago, Emil Malabanan ng Brgys. Tinurik, Ambulong at Bagbag; ka Teryo sa Brgy. Banadero at Ka kanor sa Brgy. Loyus –lahat sa Tanauan.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply