Mahigit 100 partylist groups, madi-disqualify – Brillantes

KARAGDAGANG 30 partylist groups pa ang nadiskuwalipika para tumakbo sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes, posibleng aabot sa mahigit 100 partylist organizations  ang matatanggal at ito ay inaasahang mailabas na nila ang final list ng mga accredited groups bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sinabi ni Brillantes na  nasa “full swing” na ang ginagawang review process ng poll body sa partylist groups.

Nakatakda namang ianunsiyo ng Comelec  ang karagdagang 30 partylist groups na tinanggal anumang araw ngayong linggo  sa oras na mapirmahan ang resolusyon ng mga miyembro ng Comelec en banc.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply