Mahiwaga ang relasyon!

IBINALITA sa amin ng isa sa mga staff ng It’s Showtime na mataas ang nakuha nilang rating nitong nakaraang linggo sa pagpapatuloy ng anniversary special ng programa. Buong linggo raw kasing nagtala ng double-digit ang rating ng noontime show. Ibig sabihin, kapag nag-10% pataas ang isang programang pang-noontime, marami na ang tagasubaybay ng show.

Last Saturday nga raw kung kailan ginanap ang announcement ng winner for production numbers among Showtime hosts, masasabing tinutukan ito ng madlang pipol kaya’t mas mataas ang naitala nitong rating sa kasabay na  programa.

Naging triple-tie ang desisyon, ang mga production numbers nina Anne Curtis-Karylle, Jugs and Teddy at Vhong Navarro-Billy Crawford ang nagsipag-uwi ng tig-100k bilang premyo. Inilagak naman nila ang nakuhang cash prize sa isang charitable institutions na nais nilang damayan.

—@@@—

DUMAAN muna sa sensual workshop ang bida ng PHR Presents: Paraiso na sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli. Kung meron man o walang ipinasuot sa kanila habang nasa isang kuwarto at nag-i-emote-emote as part of the workshop, sila lang ang nakaaalam.

But on Jessy’s defense, “Hindi naman ibig sabihin na kapag sensual (workshop) ay bastos or daring na kaagad,” una niyang depensa.

Ani Jessy, ang nasabing workshop ay intended to bring out more the passionate side of her as an artist. “So, ang ginawa namin ni Matteo habang nasa loob kami (ng kuwarto), hindi kami nagsasalita o nag-uusap. Nagtititigan lang kami habang nasa loob ng room at hindi kami binabantayan ng instructor namin sa loob.”

Sa ginanap na prescon for PHR: Paraiso, ipinakita rin ang firat 40 minutes na aabangan natin on November 5, sa pagsisimula ng serye sa Kapamilya Gold. Isang trahedya ang maglalapit sa dalawa (Jessy at Matteo) pagkatapos lumubog ang barkong kanilang sinasakyan at mapadpad sila sa isang isla na tanging sila lang ang mga tao roon.

Naitanong ng aming editor kay Jessy kung sa loob ng dalawang buwan nilang pamamalagi sa isla, nagkaroon ba sila ng something-something ni Matteo?

“Sa simula pa lang (ng serye), iniiwas-iwasan na namin ang isa’t isa, pero kaming dalawa lang sa isla at hindi maiiwasan yon (ang pagkakaroon ng relasyong sekswal).

“Ang akala kasi namin, hindi na kami makakabalik pa ng Maynila.”

Kaya sila namuhay sa isla ng parang sina Adan at Eba? “Parang ganun na po,” pahayag ni Jessy.

—@@@—

MAAGA pa para isa-isip at isa-puso ni Jessy Mendiola ang nararamdamang pag-ibig kay JM De Guzman, ang aktor na bida sa Angelito. Kasi nga’y sa mga nakaraang pahayag ni Jessy sa preskon ng Precious Hearts Romance Presents: Paraiso, inspirasyon raw nito ang aktor?

Kahit pa sabihin ni Jessy sa The Buzz na “friends” lang sila ni JM, still nababanaag sa kaniyang fez ang sobrang kilig sa di-katangkarang aktor.

Payo namin kay Jessy, huwag magmadali o kaya’y gumaya kay Andi Eigenmann na dahil sa kapusukan ay isinuko nito ang puri sa laging kinakikiligan, kung sinuman yon?

Bata pa si Jessy, may bantang siya ang susunod na Kristine Hermosa ng showbiz at posibleng mangyari ito dahil Jessy possesses, all the qualities ng isang sisikat na aktres gaya ni Kristine.

Ipalalabas na sa November 5 sa Kapamilya Gold ang Paraiso nila ni Matteo Gudicelli.

—@@@—

SA PANAYAM ni Kuya Boy kay Matt Evans sa The Buzz last Sunday, naihayag ng aktor na tatlong beses siyang dinalaw ng live-in nito habang nasa loob ng kulungan.

May ipinapakiusap ito kay Matt. Ang hindi maintindihan ni Matt, bakit ayaw pang iurong ng babaeng karelasyon ang isinampang reklamo kung away-magboypren lang ang nangyari sa dalawa?

Pinabulaanan nga ni Matt na sinaktan o itinulak niya ang babae sanhi nang pagkahulog nito sa hagdan.

Curious lang kami kung ano ang iniuugot ng babaeng ito para ibigay sa kanya at palayain nang tuluyan ang nakarelasyong aktor?

Tuloy, hindi naman pasisindak si Matt dahil sey ng aktor sa The Buzz, ipaglalaban niyo ang kanyang nasirang pangalan na dulot ng kanyang ka-live-in partner.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply