Mainit na temperatura sa ilalim ng bahay sa QC, bubusisiin

MAS bubusisiin pa ng awtoridad ang nararamdamang mainit na temperatura na nanggagaling sa ilalim ng lupa na kinatitirikan ng isang bahay sa Quezon City.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang alas 6 ng umaga (Oktubre 21), ini-report ang insidente ng isang Jane Filio, residente ng 19 Manalo Street, Barangay del Monte.

Ayon kay Filio, nagsimula ang pagtaaas ng temperatura sa sahig ng kanyang bahay noon pang Oktubre 17 at naoobserbahan na mainit ang floor tiles ng kanyang sala dakong alas 8 ng gabo .

Nito namang nakaraang Biyernes, (Oktubre 19), ang init ay lumapad pa ng one square meter, kaya sa pangambang magdulot ito ng panganib sa kanilang buhay ay ini-report na ni Filio ang insidente sa awtoridad.

May 13 katao naman na apektado ng kakaibang insidente ang nasa kanilang garahe na. Nireremedyuhan naman nila ang hindi maipaliwanag na pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay basang damit sa kanilang sahig pero wala rin nangyari.

Ininpeksyon na rin ng city fire officials ang lugar pero hindi rin nalaman ang pinanggagaligan ng init at pinayuhan na lamang silang makipag-koordinasyon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Pansamantalang pinutol naman ng Manila Electric Co. ang power line sa bahay dakong 7 p.m. nitong nakaraanhg Biyernes, ayon pa sa NDRRMC.

Nito namang nakaraang Sabado (Oktubre 20), bumalik ang awtoridad sabahay ni Filio at nadiskubre na ang apektadong floor area ay mas lumawak pa sa 9 square feet pero ang temperatura naman ay nabawasan.

Minomonitor pa rin ng Office of Civil Defense ang nasabing insidente,, ayon pa sa NDRRMC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply