Makakalaban ni Jinkee, dating kaalyado ni Pacman

MAGIGING mahigpit na katunggali ng asawa ni people’s champ, Saranggani Congressman Manny Pacquiao na si  Jinkee ang dating ka-alyado nito sa 2013 midterm elctions.

Nakatakdang makasagupa ni Jinkee Pacquiao sa vice-governatorial race si Provincial Board Member Eleanor Saguiguit.

Una nang naghain ng certificate of candidacy (CoC) ang misis ni Pacman noong Martes sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) at partido ng kanyang asawa na People’s Champ Movement.

Samantala, kakandidato muli ang 8 Division World Champion para sa ikalawang termino bilang kinatawan ng Sarangani sa kamara.

Bukod sa mag-asawa, tatakbo rin sa pagkakongresista ng 1st District ng South Cotabato ang kapatid ng boxing champ na si Roel Pacquiao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply