Makulit na apo kinatay ng sariling lolo

PANGASINAN – Arestado ang isang lolo sa Binalonan matapos mapatay ang sariling apo sa gitna ng kanilang pagtatalo.

Nakakulong na ang suspek na si Baldino Torio Sr. matapos ang pag-aaway nila ng apong si Mio Faharino, 18, kapwa ng San Felipe Sur, nasabing bayan.

Dahil sa tindi ng mga tama ng saksak ng biktima ay agad itong binawian ng buhay.

Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay ang maglolo nang bigla na lamang magtalo dahil sa pangungulit ng biktima.

Sa inis ng matanda, inundayan niya ito ng saksak sa tagiliran na agad nitong ikinamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply