Malakanyang dedma sa political dynasty

WALANG pakialam ang Malakanyang sa isyu ng political dynasty na sinimulan nang dinggin ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, nakatuon ang pansin ng Malakanyang sa tinatawag na “business of governance” at hindi sa walang katuturan na usapin ng political dynasty.

“It’s there already. There are already pending bills also before the House, if I recall. There are several bills pending before the House in previous Congresses. So this is a legislative discretion, whether they would like to tackle it or not. As far as we are concerned, we continue with the business of governance. It’s a matter for the legislature to discuss among themselves on the Anti-dynasty Bill,” anito.

Premature naman kung ituring ng Malakanyang ang pagpipilit ni Senador Miriam Defensor Santiago na isama ang mga national elective position sa bill ukol sa anti-political dynasty.

“I think the better… We elected the legislature to discuss on the wisdom of these bills. So let them deliberate on it before we make any comment. Or lest we be accused of saying that we are dictating upon the legislature,” aniya pa rin.

Napaulat naman na imposibleng  mapagtibay ngayong 15th Congress at bago ang 2013 midterm elections ang Anti-Political Dynasty bill sa Senado.

Kapwa sinabi nina Senate committee on electoral reforms chairman Sen. Koko Pimentel at Sen. Ping Lacson na hindi maipapatupad sa 2013 elections ang naturang panukala na nagbabawal sa magkakamag-anak na kumandidato sa iisang bayan o lalawigan dahil kailangan pa ng masusing pag-aaral.

Hangad ni Senador Pimentel na magpatawag ng isa hanggang sa dalawa pang pagdinig kaugnay sa panukala dahil kailangan itong mapag-aralang mabuti at linawin ang definition ng political dynasty.

Kapwa  tiwala  naman sina Pimentel at Lacson sa pagsasabing may pag-asang maipasa ang panukala bago ang 2016 presidential elections.

Sa kabilang dako, umaasa naman si Senador Pimentel na kahit hindi mapagtibay sa kasalukuyang Kongreso ang panukala ay mai-refile ang kanyang bersyon sa 16th Congress at ma-improve pa nito ang Anti-Dynasty Bill ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Plano nito na isama pati sa irerekomenda niyang panukala ang national elective positions gaya ng pangulo, pangalawang pangulo at mga senador.

“Pag-aaralan natin ng mabuti ito kasi baka naman ma-acccuse kaming mga senators na pinapaboran namin ang aming positions because the bill that we will pass does not cover senators and vice president and presidents. So, ayusin natin ang definitions that acceptable sa lahat, ang pahayag ni Senador Pimentel.

Samantala,  napaulat na matagal nang isinusulong ang naturang kontrobersiyal na panukala pero hindi maipasa-pasa dahil maraming humaharang bunsod na mga mambabatas din ang mismong tatamaan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply