Malakanyang hands off sa pagbalangkas ng Sin Tax Bill

TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila pakikialaman ang mga hakbang ng Senate Committee on Ways and Means sa pagbalangkas sa Sin Tax Bill.

Ang katiyakan ay kasabay ng pagsusulong ni Senador Miriam Santiago ng kanyang bersyon ng naturang panukalang batas.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, ipauubaya na nila sa bagong chairman ng komite na si Senador Franklin Drilon ang pagsusulong sa Sin Tax Bill.

Una nang nagbitiw bilang chairman ng naturang komite si Senador Ralph Recto nang maunsyami ang bersyon ng kanyang Sin Tax Bill dahil sa liit ng buwis na makokolekta ng gobyerno mula sa sigarilyo at alak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply