Malampaya service contract 38, isabansa

MASAHOL pa tayo sa babaeng ginagahasa ng mga dayuhang sangkot sa pagsipsip sa ating likas na yaman. Masahol pa tayo sa mga pinagnanakawan matapos pagkatiwalaan.

Kumbaga, ang estado natin ay ginigisa tayo sa ating sariling mantika. Ito ang Shell

Corporation at Chevron o Caltex Philippines.

NOONG 1992 ay natuklasan na mayaman tayo sa langis sa dagat ng Palawan–Calago-Malampaya. Ang laman sa ilalim ng dagat ay natural gas at condensate.

Dahil wala tayong sapat na kaalaman sa teknolohiya, gamit at paraan kung paano mahihigop ang dalawang sangkap at wala rin tayong sapat na pondo para mamuhunan doon – pumayag ang gobyerno sa sistemang “profit sharing” o hatian ng kita.

Ang Shell at Chevron ang nag-alok at nakopo nila ang kontrata na tinawag nilang Service Contract (SC) 38. Sa loob ng kasunduan ay hating-kapatid ngunit lumabas sa huli, madaya ang lumabas na hatian. Binigyan ng Shell at Caltex ng kakarampot na bahagi ng kita – 10% lang samantalang ang 2 tulisang kontraktor ay tig 45%! Ang masakti pa sa kontrata, naisingit nila (Shell at Caltex) ang probisyon na anomang masirang gamit sa buong operasyon pati ang pagkumpuni (na mahal ang singil) ay sagot lahat ng Republika ng Pilipinas! Kasama pa sa pang-araw-araw na gastusin ay ang mga pasahod, pakain at kabuuang operasyon at pagmantini sa Malampaya Gas Plant. Lumalabas, hindi natin nakukuha ang buong 10%. Ayon sa datos, naiiwan lang sa atin ay himigit kumulang 5%!

NGAYON, malayo pa man ang “end of contract” o pagtatapos ng kontrata ng dalawang higanteng korporasyong dayuhan, humihirit na sila na dagdagan sila ng 13-15 taon sa kontrata? Nakakaduda ito. Sabi nga Department of Energy (DoE), hindi na dapat bigyan pa sila ng ekstensyon kahit isang araw lang. Ibig sabihin alam na ng DoE ang mapandugas na operasyon at pagkamal ng salapi ng Shell at Chevron.

Ang Malampaya Gas Plant ay nasa Recto Reef at gumawa sila ng 3-5 plataporma noon. Sa tantiya ay mayroon itong 2.3–4.4 na trilyong cubic fee ng gas at 85 bilyon na bariles ng condensate. Ang condensate ay pinoproseso pa sa ibang bansa samantalang ang natural gas ay diretso sa Tabangao, Batangas. Pinakinabangan ito ng 3 power plant na may kapasidad na 2,700 megawatts sa enerhiya. Kaya nitong paliwa-nagin ang buong bansa at patakbuhin ang lahat na sasakyan ng mas murang hindi hamak sa 50% konsumo.

Pero ang tanong nga, walang nakakaramdam ng ginhawa sa ating likas na yaman.

Mukhang ang tanging masaya sa Service Contract 38 ay ang dayuhang korporasyon lamang!

AT bakit humihingi nan g extension ang 2 kumpanya? Ibig lang sabihin nito, mahigit pa ang dami ng ating gas at condensate kaysa ipinalabas nilang pagtantiya noon. Yan ang gusto pang makopo ng dalawa na dapat ay hindi ibigay ng ating gobyerno. Malinaw ang anomaly sa kasunduan. Malinaw ang anomaly sa operasyon. Malinaw ang pandaraya sa ating ng Shell at Chevron Corporation na DAPAT AY TAPUSIN na!

90% ang iniuuwi nila samantalang tayo ang may-ari ng likas na yaman ay 10% lamang?

Kung sa ibang bansa mayroon nito at nakita, hindi maaaring ang pandarambong na ginagawa sa atin ng dalawang kumpanya ng langis. Sa atin iyan. Dapat ay sapat na para maramdaman ang kaginhawaan ng bansa at mamamayan! Ibasura ang Malampaya Gas

Plant Service Contract 38! (May susunod po dito, bagong pandaraya ng Shell at Chevron para magtayo daw ng bagong plataporma na US$1 bilyon ang presyo pero mayroon nang nakatayo na hindi pa nagagamit. Abangan po ninyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply