Malaria-free Phl, tiniyak ng DOH

DESIDIDO ang Department of Health (DOH) na matiyak na magiging malaria-free ang Pilipinas sa hinaharap.

Kaugnay nito, inianunsiyo ni DOH Center for Health Development – National Capital Region (DCHD-NCR) Director Eduardo C. Janairo na nai-turn over na ang simbolikong Travelling Long-Lasting Insecticidal Net (LLIN), o kilala sa tawag na “Byaheng Kulambo” sa lungsod ng Caloocan para maiwasan ang pagkakaroon ng malaria cases.

Ayon kay Janairo, nais nilang ipakita na mahalaga ang kanilang kampaniya sa prevention at control ng malaria sa pamamagitan nang pagde-deploy ng insecticide-treated mosquito nets o LLIN sa mga lugar kung saan nakapagtatala pa ng kaso ng malaria.

“This movement also seek to establish local government support for the malaria elimination program through renewed commitment, intensified community awareness and an increased stakeholder collaborations and also by upgrading the level of public health intervention against malaria from control to pre-elimination and elimination phase,” aniya.

Batay sa tala ng DOH-NCR Regional Epidemiological and Surveillance Unit (RESU), may 12 recorded na kaso ng malaria mula Enero 1 hanggang Oktubre 7, 2012 kung saan ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso sa bilang na apat, sumunod ang Maynila, na may tatlong kaso, at ang Makati, Paranaque, Pasig, Taguig at Valenzuela, na may tig-isang kaso.

Nabatid na ang kampaniya laban sa malaria ay sinimulan ng DOH noong Abril 25, 2012 sa Banawe, Ifugao kasabay nang pagdiriwang ng World Malaria Day.

Sa ilalim ng naturang kampaniya ay dinadala ang simbolikong LLIN sa iba’t ibang probinsiya sa bansa, kabilang na ang NCR, kung saan may kaso pa ng malaria.
Dumating naman sa NCR ang LLIN noong Oktubre 23, 2012 mula sa Region II (Batanes Province) at bumiyaheng muli patungo sa Region 8 (Samar, Leyte at Biliran Provinces) nitong Oktubre 25, 2012.

Mula sa mga malaria-endemic areas patungo sa malaria-free provinces, ang biyahe ng Byaheng Kulambo ay darating sa DOH, na siyang huling destinasyon nito, sa Nobyembre para sa selebrasyon ng National Malaria Awareness Month celebration.

Inaasahang aabot sa 81 lalawigan at 38 siyudad ang nabigyan ng symbolic mosquito net sa pagtatapos ng biyahe ng program.

Nabatid na ang LLIN ay ipinagkakaloob sa isang lalawigan patungo sa iba pang lalawigan hanggang sa maabot nito ang target na 80 lalawigan, kung saan ang lahat ng gobernador ay lumalagda ng manifesto ng pagsuporta.

Ang pagtanggap ng bumibiyaheng LLIN ay simbolo ng commitment at shared responsibility ng mga local leaders upang maging malaria-free ang Pilipinas.

Nabatid na ang kampaniya laban sa malaria ay may temang “Saving Lives, Preventing Deaths and Sustaining Investments for Malaria.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply