Malayo na ang narating ni Gani Oro!

NAG-FILE na rin ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec ang batikang brodkaster na si Gani Oro para sa pagka-kongresista ng Lunsod Quezon.

Tinanggap na ni Gani ang kahilingan ng kanyang mga ka-lugar sa Novaliches para katawanin sila sa kongreso sa darating na mid-term election sa Mayo 2013.

Bilang isang tunay na Novalenyo, tatakbo si Oro sa bagong tatag na 5th District na binubuo ng 14 na barangay mula sa hinating 2nd District ng Kyusi.

Nakilala si Gani bilang Mr. Aksyon Oro Mismo dahil sa kanyang mabilis na pag-aksyon sa mga problemang idinudulog sa kanyang programa sa DZBB ng GMA Networks. Kamakailan ay ginawaran ito ng Catholic Mass Media Awards for Best Public Service Radio Program.

Mahigit dalawampu’t limang taon na rin si Gani sa larangan ng public service bilang isang mediaman. Nagsimula siya noong 1987 bilang Radyo Patrol ng DZMM ABS-CBN, hanggang maging newscaster sa radyo at telebisyon.

Sa ilalim ng Republic Act # 10170 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, hinati na sa tatlo ang 2nd District ng Q.C., kaya’t nagkaroon na sila ng 5th at 6th Districts.

Ang nasasakupan ng ika-5 distrito ay ang mga barangay ng Fairview Proper, North Fairview, Lagro, Pasong-Putik, Sta. Lucia, Kaligayahan, Nagkaisang Nayon, Novaliches Proper, Santa Monica, Capri, San Agustin, Gulod, San Bar -tolome at Bagbag.

“Pagmamahal at pagmamalasakit sa mga kapwa ko mahihirap ang naglakas ng loob sa akin para tanggapin ang alok na ito.

“Ngayon naman ay gusto kong paglingkuran ang aking ka-lugar na matagal nang umaasam ng tunay na pagbabago,” ayon pa kay Oro.

Bilang pangulo ng Kadamay Oramismo Foundation, maraming scholar na anak ng mahihirap na pamilya ay pinaga-aral niya. Ang pondo ng kanyang foundation ay nagmumula sa kanyang mga concerts na siya rin ang producer.

Isang recording artist rin si Gani, siya ang umawit ng kanyang sariling komposisyon na Try Natin sa latest album ng Jay Brothers, kasama sina Renz Verano at Jerome Abalaos.

Hindi na bago sa pandinig ng karamihan ang pangalang Oro sa larangan ng public service. Kilala rin ang kanyang kapatid na si David Oro bilang beteranong brodkaster sa DZMM/ABS-CBN.

May pagkakataon pang pansamantalang tinibag ng magkapatid na Oro ang pader ng kompetensya ng dalawang giant networks nang sabay nilang lutasin ang problema ng mga taong humingi ng tulong sa radyo.

Nagkaroon ng simulcast broadcast ang DZBB ng GMA-7 at DZMM ng ABS-CBN sa programang Aksyon Oro Mismo ni Gani Oro at Aksyon Ngayon nina David Oro at Kaye Dacer para maibalik sa magulang ang kanilang nawawalang mga anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply