Malaysian execs, OIC rep darating para sa Framework Agreement signing

NAKATAKDANG dumating sa bansa ang mga executive ng Malaysia at representative Organization of Islamic Conference (OIC) para dumalo sa framework agreement signing.

Ang pagdalo ng mga opisyal ay upang saksihan ang makasaysayang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagbuo ng Bangsamoro juridical entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, dadalo rin sa naturang pagtitipon ang mga si Malaysia Prime Minister Datuk Seri Najib.

Idinagdag din ni Valte na pagkatapos ang makasaysayang pirmahan ng kasunduan ay magpapalabas ng kautusan ang Pangulong Aquino sa pagbuo ng Transition Commission na siyang gagawa ng panukalang batas sa kongreso sa pagbuo ng batas Bangsamoro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply