Malaysian Prime Minister Razak, nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Rizal

NAG-ALAY ng bulaklak sa Bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta Park si Malaysian Prime Minister Dato’ Sri Haji Mohammad Najib bin Tun Haji Abdul Razak.

Dumating ang Malaysian Prime Miniter sa Rizal park eksaktong alas 9:30 kaninang umaga

Sinalubong naman ito ni Philippine Navy Chief, Vice Admiral (VADM) Alexander Pama at Manila Mayor Alfredo Lim.

Sa Bantayog ni Rizal, kapuna-puna ang watawat ng dalawang  bansa, sa kaliwa ang watawat ng Pilipinas habang nasa kanan naman ang watawat ng Malaysia

Agad namang tumulak ang grupo ni Malaysian Prime Minister Razak sa Palasyo ng Malakanyang pagkatapos ng maiksing seremonya sa Luneta.

Malaki ang naging bahagi ni Malaysian Prime Minister Razak upang mabuo ang frame work ng draft agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply