Malaysian Prime Minister Razak, pupunta ng Palasyo bago ang framework agreement signing

MAGTUTUNGO sa Palasyo ng Malakanyang upang makipagkita kay Pangulong Benigno Aquino  ang Prime Minister ng Malaysia bago ang pirmahan ang framework agreement ng gobyerno at Moro Islamic
Liberation Front (MILF).

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, darating sa bansa si Prime Minister Dato Sri Mohd Najib BinTun Abdul Razak.

Nakatakda itong makipagkita sa Pangulo alas-10:00 ng umaga ng Lunes si Razak bago ang pirmahan dakong ala-1:00 ng hapon.

Habang makikipag-meeting naman sa Malaysian Business Council ang prime minister dakong hapon.

Dahil dito, pinaplantsa na ng Presidential Security Group ang arrival honors na ipagkakaloob sa darating na lider.

Naging malaki ang papel ng bansang Malaysia bilang facilitator ng peace talk sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Kumpiyansa si Pangulong Aquino III na malalagdaan na ang “peace agreement” sa pagitan ng gobyerno at MILF.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply