Manggagawa sa mga kongresista: Ipasa ang batas sa dagdag-sahod

HINAMON ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang mga kongresista na ipasa na muna ang mga panukalang batas para sa dagdag-sahod bago mangampanya.

Ayon sa grupo, nag-umpisa nang pomustura ang mga politiko para sa darating na halalan subalit wala pa silang ginagawa para sa sahod ng mga manggagawa.

Nag-piket ang KMU sa harapan ng Kamara de Representante kahapon upang igiit ang pagpasa ng House Bill 375 o ang 125 Across the Board Wage Bill ni Kinatawan Rafael Mariano ng Anakpawis.

Dagdag ng KMU na nangangamba silang hindi na naman maipasa ng Kongreso ang naturang panukala dahil magiging abala na sa eleksyon ang mga politiko sa mga susunod na buwan.

Ayon kay KMU chairperson Elmer Labog, makakatulong pa nga sa mga politiko ang pagpasa ng naturang panukala upang mayroon naman silang makabuluhang maibibida sa kanilang mga distrito sa panahon ng kampanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply