Mangongotong na tango echo

TAMBAK ang traffic enforcers o mas kilala sa alias na tango echo  (TE) sa Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City pero kahit hatinggabi na ay napaka-traffic pa rin sa nasabing lugar.

Nakapagtataka kung ano talaga ang dahilan at lubhang ma-traffic sa lugar gayung gabing-gabi na at dapat ay maayos na ang daloy ng trapiko at hindi na sala-salabat.

Sira ba ang traffic light? Maraming sasakyang pampasahero na nagbababa at nagsasakay sa tapat ng Mercury Drug at Nova Mall, kaya’t ito ba ang dahilan?

Posibleng kasama ang mga nabanggit na dahilan kaya’t lubhang napakatraffic sa pinakabayan ng Novaliches.

Pero ang isang  pinakamalupit na dahilan ay ang walang disiplinang mga tsuper na kung saan-saan lang nagbababa at nagsasakay sa mga bawal na lugar.

Bakit naman malakas ang mga tsuper ng pampasaherong sasakyan, lalo na ang mga jeep, na sumuway sa batas trapiko?

Ang sabi nila ay dahil sa mga tango echo. Itong mga tsuper ay may inaabutan ng mga barya na pawang bata-bata ng mga tango echo na ang serbisyo ay ‘di naman para sa bayan o libre dahil sinusuwelduhan ang mga ito ng pamahalaang
lokal ng Kyusi.

Walang karapatan ang mga tauhang ito ng Novaliches District Center na pawang nakasuot ng apple green na mangikil sa mga tsuper na nagiging pasaway dahil batid nilang hindi sila kayang hulihin hanggang naglalagay siya.

Ganito rin ang scenario sa Buenamar St. na likod lang ng Quirino Highway sa Novaliches bayan pa rin kapag araw ng Sabado at Linggo. Hindi kasi nakabantay ang pulis na nakatalaga sa nasabing lugar. Tanging ang dalawa hanggang tatlong tango echo ang nagmamando ng trapiko na inaabutan naman ng barya ng mga pasaway na tsuper.

Buhol-buhol ang daloy ng mga sasakyan dahil hinahayaan ng traffic enforcers na magbabad ang mga jeep upang punuin ng pasahero ang kanilang sasakyan.

Ang masaklap, hindi pa mismong taga- Quezon City ang kanilang kolektor sa mga tsuper kundi taga-Caloocan City.

Paraan ba ito para makalusot sila sakali mang maituro na may nangongolekta ng barya-barya sa lugar?

Mahuhusay rin naman ang kanilang taktika. Pero kahit anong gawin nila, buking at buking sila kaya dapat ay madisiplina ang mga pasaway na TE na ito.

Dapat na makarating kay Mr. Tady Palma, overseer ng Novaliches, ang mga kalokohan ng mga tango echo.

Pinipilit ni Taddy na maging maayos ang Novaliches kaya’t nagpapatupad siya ng mga pagbabago subalit sinisira naman ng ilang TE ang kanyang magandang hangarin.

HAPPY 60th Anniversary to the National Press Club.

Mabuhay ang mga mamamahayag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply