Manhid si Ate Vi

TILA,  nalasing na sa kapangyarihan si Gov. Vilma Santos – Recto dahil ‘manhid’ na ito sa mga sumbong at reklamo ng kanyang mga kababayan. Hanggang ngayon kasi eh nagmamaang-maangan si Ate V. at ayaw umaksiyon sa idinaraing ng mga Batangueño na nagkalat na sugalan.

Bilang Ina ng Batangas, nais ng kanyang mga kababayan na patigilin ng actress-turned politician ang STL – bookies at iba pang bis-yo sa lalawigan. Napakadali lang naman ang gagawin ni Ate V – ipag-utos lang nito kay PD S/Supt. Rosauro Acio na itigil ang sugal, siguradong titigil ang mga ito.

Ang STL bookies operator sa San Jose ay sina Kap. Indo, Virtucio at Kap. Ineo; Bauan si Minda; Tanauan, si Jun Ocampo, Ka Kanor, Teryo, Kancio, Dexter at Angel, Ed Villanueva at Obet Malabanan. Sa Sto. Tomas ay sina  Alex at Jojo, Mario at Lito at Oslo sa Mabini.

Sa San Juan, ang GLs ay sina Kap. Nelson at Fress at sa San Pascual ay si Nene.

Katiting pa lang ang mga na-banggit natin sa kabultong vice operations sa lugar ni Ate V. at ni Col. Acio.

PNOY GAMIT SA TONG-PATS!

Nalintikan na! Pati pangalan ni Pangulong Noynoy Aquino eh, ginagamit na pambrabraso sa mga  negosyante riyan sa Bureau of Customs.

Aba, eh, ang pagbabanggit sa Pangulo ng isang nagpapakilalang ‘Cris Aquino’ para makapangotong sa players sa BOC ay  nakahihiya. Ang Aquino na ito na siguradong hindi ang sikat na kapatid ng Pangulo na si ‘Cris Aquino’ ay isinu-suka sa ginagawang panghihingi ng pera.

Ang mga nangyayaring ito sa BOC ay ‘di maganda dahil mismong si Presidente na ang nagagamit sa panghihingi ng ‘tong-pats’. Dapat at kailangan na kumilos ang mga bata ni PNoy para tanggalan ng maskara ang taong ito na gumagamit sa pangalan ng Pangulo.

Ang modus operandi raw ni Aquino ay lalapitan ang isang player at pangangakuan na ipa-facilitate ang mga goods na may problema sa BOC.

‘Di lang pala si PNoy ang gi-nagamit nito dahil pati NICA, PNP,

CIDG at police at military intelligence groups ay ipinango-ngolekta. Pati raw mga gamit o supplies na kailangan ng BOC ay pinanghihimasukan na nitong si ‘Cris Aquino’.  Sus Marya, matindi talaga!.

Masamang pangitain ang nangyayaring ito sa BOC dahil pangalan ng Pangulo ang

nagagamit  sa kalokohan. Dapat ay masupil ito.

Dahil kung ‘di matitigil ang katarantaduhan ng taong ito,  nakuh eh, saan paroroon ang isinusulong na ‘tuwid na daan’ ng Aquino administration.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply