Manila Archbishop Tagle, hinirang na bagong kardinal

HINIRANG ng Vatican bilang bagong prinsipe ng Simbahang Katoliko o kardinal si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle.

Ito ang naging anunsyo ni Pope Benedict XVI sa harap ng pagtitipon ng mga mananampalataya sa St. Peter’s Square sa Vatican City.

Nakatakda ang tinatawag na consistory o ang paghirang sa mga bagong kardinal sa Nobyembre 24 na pamumunuan mismo ng Santo Papa.

Bukod kay Tagle, anim na iba pa ang kasama niya sa naturang okasyon na nagmula naman sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Tagle ang pinakabatang hihiranging bagong kardinal ng simbahan sa edad na 55 taong gulang

Samantala, nakahanda na ang Simbahang Katoliko, sa pagdating ng imahen ni St. Pedro Calungsod

Ayon kay dating Ambassador to Vatican Tita De Villa, isang welcome ceremony ang idaraos pagdating pa lamang ng imahen ng santo sa Ninoy Aquino International Airport, sa Pasay City, ngayong hapon.

Magkakaroon din aniya ng maikling panalangin at press conference bago dalhin ang imahen sa University of Santo Tomas sa Sampaloc, Maynila.

Dagdag ng chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ililibot din sa ibang panig ng bansa si San Pedro Calungsod bago iuwi sa Cebu sa Nobyembre 27.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply