Manila Auto Salon is back!

BAGO matapos ang taong ito, muli na namang dadagsa at magkikita-kita ang mga car enthusiast para sa 6th Manila Auto Salon.

At para din sa taong ito gaganapin muli ang Manila Auto Salon sa SMX Convention Center sa Mall of Asia mula Nobyembre 29 hanggang December 2, 2012. Mananatili pa rin ang tema na “MAD ABOUT STYLING AND TUNING”.

Kada taon, hindi nabibigo ang mga organizers na makahakot ng spectators na dadalo sa kanilang event. Dahil ang Manila Auto Salon ay isa sa pinakamalaking car show sa bansa na ginagawa taon taon na talaga namang nagdadala at nagbibigay saya sa bawat Pilipino.

Parati ring inaabangan ang magaganda at kakaibang itsura ng mga kotse na lalahok sa Manila Auto Salon dahil dito mo rin makikita ang mga kakaibang disensyo o style na gagawin ng mga participants. Ngayong 2012, sa unang pagkakataon, magkakasabay ang Manila Auto Salon at ang Defense and Sporting Arms Show na gagawin ng organizer na Tradeshow International Inc. na siya ring organizer ng ilang malalaking car show sa bansa gaya ng Trans Sport Show.

Nais magpasalamat ng Tradeshow ang kanilang mga sponsor para sa taong ito: BusinessMirror, BusinessWorld, Chinese Commercial News, Daily Tribune, Manila Bulletin Drive, Malaya Business Insight, Manila Standard Today, Manila Times, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Radio High 105.9, RJ 100.3, 105.1 Crossover, DZRH 666, DWIZ 882, DZRJ 810, Inside Motoring, Home Radio 97.9, Easy Rock 96.3, C! Magazine, Power Wheels Magazine, Top Gear Philippines, Solar Sports, Basketball TV, Auto Review, Stoplight TV, Pinoy Extreme – Live Broadcast Media Partner, ABS-CBN TFC, Pinoy Speed sa Mga Pahayagan, Auto Focus, Motoring Today, Sunshine TV, Turbo Zone, Autoindustriya.com, Kotse.com, Topgear.com.ph, 88DB, Tsikot.com, Custom Pinoy Rides.Com, Café Puro, Padi’s Point, LazerMaxx Laser Tag Arena, Gotcha Paintball Adventure Games.

Para sa karagdagang katanungan at iba pang impormasyon, maaari niyong tawagan ang Tradeshow International sa tel. nos.: (02) 671-8381 at (02) 671-8382.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply