Manila, crime capital at ‘sex orgy’ sa U-2 Club

TINANONG ng taxi driver ang isang pasaherong nagpakilalang “seaman” at nagpahatid sa U2 Health Club, kung ano ang meron dito na wala sa iba.

Wala umanong kagatol-gatol ang sagot ni seaman. “Orgy”, yun bang dalawang babae ang pagsasabayin mo sa kama!

Susmaryosep, mulagat ang mga mata ni taxi driver, hak, hak, hak! Eh, sa kanya nga raw, kahit isa lang ay solve na dahil sa ganda ng mga babae sa U-2!

Ipagpalagay na, parekoy, na totoo nga na kumpare ni Mayor Bernabe ang may-ari ng totnakan na ito, pero dapat sigurong ipabusisi niya itong U-2 Health Club  na nasa dulo ng Macapagal Boulevard para matiyak na hindi ito magkakalat o pagmumulan ng AIDS!

Dapat kumilos na rito ang DOH para matiyak na ang tot-nakan na ito na dinarayo ng mga turista at mayroon pa pa-lang “sex orgy” ay hindi magi-ging pabrika ng sakit!

-o0o-

SA kasalukuyang kaganapan sa lungsod ng Maynila ay mababanaag mo na wala na ang “magic” ni Dirty Harry.

Kung dati ay pinangingilagan ng mga kriminal na gumawa ng krimen sa Maynila sa takot na “ipabyaheng langit” ni Mayor Lim, ngayon ay hindi  na!

Kahit i-monitor ninyo, parekoy, sa mga balita araw-araw, maliwanag na nangunguna o naging “crime-capital” na ng Pilipinas ang Maynila!

At kadalasan kung hindi pulis ang binibiktima ay pulis naman ang nambibiktima!

‘Yan na ang sinasabi natin na ang pamumuno sa isang lugar ay hindi sa lahat ng oras kayang daanin sa tapang.

Dahil ang takot ng mga tao ay madaling mawala lalo na kung kumakalam ang sikmura!

Mas maganda, parekoy, na habang ipinatutupad mo ang batas ay nararamdaman dapat ng taumbayan ang habag at malasakit sa kanila.

Ayon sa source, mismong si Mayor Fred Lim ay aminadong hindi na niya kayang kontrolin ang pagdagsa ng krimen dito. Pride na lang umano ang umiiral kaya kakandidato pa ito!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply