Manileῆo, panatag kay Isko

NOON ay isang nagbabasura, sumisikat, naging artista, nakilala, naging konsehal at ngayon ay nasa kanyang ikalawang termino bilang Vice Mayor ng Maynila, ‘yan si Isko Moreno.

Sa kanyang pagsabak muli bilang Vice Mayor, tiyak na aangat ito sa puso ng mga Manileῆo bunga ng paglaban na ipinakita nito kampi sa panig ng mamamayan na kailanman ay hindi nahiwalay sa kanyang kalooban.

Kamakailan lamang, isa si Isko sa mga umalma sa mass lay-off sa may humigit 1,000 empleyado ng Maynila na sa kabutihang palad ay pinanigan sila ng Manila court judge,  kung saan ay muling pinabalik sa serbisyo ang mga natanggal na empleyado.

Kawawa nga naman ang mga pamilya ng empleyadong ito kung mawawalan sila ng pagkukunan ng kanilang ipinangtutustos sa pang araw-araw nilang buhay.

Paano na ang kanilang mga anak, ang pag-aaral ng mga ito, ang kanilang kalusugan, pangunahing pangangailangan, at  iba pang salik na dapat matugunan upang makaraos araw-araw?

Bukod dito, maging ang ilang gastusin ng lokal na pamahalaan ay pinilit rin na mabigyang pansin ni Isko ng sa gayon ay magamit na lamang sa iba pang programang pang mamamayan ang matitipid ng Maynila.

Halimbawa nito ay ang kasalukuyang paggamit ng solar energy ng session hall ng Maynila. Si Isko ang nagpumilit nito bunga na rin ng kanyang mga nakitang makabagong teknolohiya tulad nito sa kanyang pagdalo sa iba’t-ibang leadership seminar sa US, dahil dito, nakatitipid sila ngayon ng may 10% na konsumo sa kuryente.

Kahanga-hangang opisyal si Isko na naisasaalang-alang ang parehong interes ng mamamayan at gobyerno sa mga desisyon at panukalang ginagawa nito para sa ikabubuti ng Maynila, kung kaya’t hindi na nakapagtataka pa kung muli itong manalo sa darating na eleksyon.

Nitong nakaraang Mayo ng kasalukuyang taon lamang, nagsagawa ang SWS ng survey sa may 1,200 Manileῆo gamit ang tanong  na  “Kung ang mga sumusunod ay magkasamang kakandidato bilang mayor at vice-mayor ng Maynila, sino po sa mga ito ang malamang ninyong iboboto, kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon?”

Lumabas sa resulta nito na 66% sa mga tumugon sa naturang survey ang mas pinili ang tambalang Erap- Isko kumpara sa iba pang sanib-puwersang politikong kabilang sa pagpipilian na inihain ng SWS.

Samakatuwid, kung ang eleksyon ay ‘yun ring mismong araw na ginanap ang nabanggit na survey, tiyak ang pagpapatuloy ng serbisyo ni Isko sa mga Manileῆo na hindi rin naman malabong mangyari sa darating na aktuwal na eleksyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply