Manoling Morato sumuko na sa NBI

NASA kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigatin (NBI) si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Manoling Morato matapos itong sumuko sa ahensya.

Ayon sa NBI, habang nasa kanilang kustodiya si Morato ay magpapagaling ito sa St. Lukes Medical Center.

Si Morato ay kasama ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kinasuhan ng plunder dahil sa umano’y maling paggamit ng intellence fund ng PCSO.

Bukod kay Morato ay pinaghahanap na rin ng NBI si Jose Taruc na una nang kinumpirma ng Bureau of Immigration na nakalabas sa bansa lulan ng Cathay Pacific flight.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis sa iba pang sangkot sa PCSO fund scam at nakikipag-ugnayan na ang mga ahensya ng gobyerno sa Interpol upang makakuha ng red notice sa iba pang akusado.

Ito ay upang maipagbigay alam sa lahat ng mga member nations sa buong mundo na isang pugante mula sa Pilipinas ang kailangang hulihin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply