Marami ang nagkakasakit

ANG daming nagkakasakit ngayon.

At hindi ligtas dito ang mga batang media at ang kanilang mga pamilya.

Kabilang sa mga umaatakeng sakit ang sipon, ubo at lagnat.

Hindi biro-biro ito, Suki, dahil hindi lang malaking istorbo ito sa araw-araw nating pamumuhay.

Nagiging dahilan din ito ng hindi pagpasok ng mga itay o inay ng mga tahanan. Eh kung no work, no pay ang trabaho ng mga ito, gutom ang ibig sabihin niyan.

Sa nakikita natin, hindi ordinaryong mga sipon, ubo at lagnat ang dumadapo sa marami ngayon.

Kung ordinaryo kasi, sa tatlo o apat na araw, dapat magaling na ang maysakit.

Pero ang nararanasan ng marami, eh, lagpas na ang isang linggo, kumakapit pa rin ang mga sakit na ito. Hindi umuubra kahit ang magagaling na erbal medisin gaya ng lagundi, sambong at iba pa.

Kaya ‘yung iba, dahil isa o mahigit isang linggo na ang kanilang mga sakit, nag-a-antibiotic na sila.

oOo

Para sa mga batang-media, bawal ang magkasakit.

Inaapoy na sila ng lagnat at kumakahol na sila sa ubo at sipon, layp mas go on.

Tuloy ang mga pangangalap nila ng mga balita para maihatid kay Juan.

Kabilang sa mga balita ang pagmamatigas ng mga pinuno ng pamahalaan na ipakukulong nila ang mga batang media at mamamayan na maglalabas ng kanilang mga kabulukan sa internet, cellphone at iba pang makabagong gadget para sa komunikasyon, pagbabalita at paglalabas ng mga saloobin at kuro-kuro.

Mabuti na lang at may mga magagandang balita, gaya ng kilos ng ilang senador na pagpa-file ng mga resolusyon para amyendahan ang anti-cybercrime law na magbubulok sa kulungan ng mga nagbababalita ng mga pang-aabuso at pagnanakaw sa gobyerno.

Mabuting balita rin, Suki, ang paglalabas ng TRO ng Korte Suprema laban sa nasabing batas na gusto nang pairalin nina PNoy at Leila de Lima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply