Marami pang rebelasyon sa Luna Blanca

HABANG papatapos ang Luna Blanca na nasa ikatlong aklat ngayon at tampok sa lead roles sina Bianca King at Heart Evangelista, mas maraming revelations ang mapanonood ngayon sa soap.

Aabangan ngayon sa araw-araw ang mga sumusunod na pangyayari:

Ipinaalam ni Luna kina Blanca at Joaquin ang kanyang kunwaring “pagbubuntis”. Nagparaya si Blanca para sa akala niyang magiging anak nina Luna at Joaquin. Pero kahit pakiusapan ni Blanca si Joaquin dahil sa pagmamakaawa ni Luna, sinunod pa rin ni Joaquin ang kanyang puso – si Blanca pa rin ang kanyang pipiliin.

Hindi na maalis sa isip ni Rowena si Luis pero laging sumasakit ang ulo niya tuwing naaalala niya ito. Nalaman ni Blanca ang panggagayuma ni Diego sa kanyang ina.

***

Sen. Bong walang problema kung ipalabas next year ang Indio dahil hindi naman siya kakandidato sa 2013

MISMONG ang maybahay ni Sen. Bong Revilla na si Congresswoman Lani Mercado ang nag-assure sa mga fans ng kanyang asawa na magiging tuluy-tuloy ang pagpasok ng kauna-unahang soap opera ng kanyang mister na si Bong sa early 2013 dahil hindi naman daw ito kakandidato sa elections 2013.

Balitang sisimulan na ngayong October ang pilot episode ng Indio, ang epic story na makikita ang kagalingan ni Sen. Bong sa acting at pagiging action star. Pangunahing leading ladies niya rito sina Rhian Ramos, Maxene Magalona at Jennylyn Mercado, pero balitang papasok rin sa soap ang naggagandahang sina Sollenn Huessaff, Isabelle Daza at marami pang iba.

Pero ngayong Sunday, patuloy pa ring mapanonood si Sen. Bong sa pagtalakay ng mga kahindik-hindik na pangyayari sa mundo ng Earth. Paano ba naliligtasan ng mga tao ang mga nakatatakot na phenomenom na gawa ng kalikasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply