‘Marce’ bahagyang lumakas

BAHAGYANG lumakas ang bagyong Marce habang tinutumbok ang direksyon ng kanlurang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Marce ang lakas ng hangin na 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kph.

Huling namataan ng PAGASA si Marce sa layong 310 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Kumikilos ang bagyo patungong timog-silangan sa kanyang bilis na 7 kph.

Sa mga oras bansa, walang nakataas na storm warning signal saan mang parte ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply