Marian secure kay Dingdong kaya walang dapat ipagselos!

NAGSALITA na si Dingdong Dantes sa presscon ng “Titik: The Aswang Chronicles” na very secure si Marian Rivera sa pagmamahalan nila. Kaya takang-taka ang hunk actor kung bakit may ibang pangalan na ikinakabit sa kanya tulad ni Isabelle Daza.

Mismo ring si Dingdong ay naguluhan kung bakit may ikinakabit na ibang babae sa kanyang pangalan. Eh, totoo lang ay walang pagbabago ang pagmamahalan nila ni Marian. Kahit pa mai-partner ang aktres sa ibang lalaki ay okay lang kay Dong. Alam naman kasi niyang trabaho lang nilang mga artista ang umarte, gawin ang mga sinasabi ng script at sundin ang pagdidirek ng director.

Tulad ngayon sa Titik: The Aswang Chronicles, si Lovi Poe ang partner ni  Dingdong. Mag-asawa ang role nila ni Lovi na hindi mawawala ang maromansang eksena pero wala namang anomang tsismis sa kanila.

Panay good relationship sa trabaho ang lumabas sa press pero puring-puri ng aktor ang galing at professionalism ni Lovi. Eh, nakailang acting awards na ba naman kasi si Lovi? Huling-huli niya ay ang best supporting actress sa nakaraang FAWAS Awards para sa “My Neighbor’s Wife”.

Ibang-ibang Dingdong ang mapanonood sa Tiktik. Hindi siya ang kanyang typical boy next door image. Isa siyang haragan at palaban. Kayang-kaya niyang pataubin ang sumugod na mga aswang sa kanilang bahay. Barumbado at brusko rin si Dingdong sa movie. Kaya kita sa unang eksena lang ay galit na galit ang nanay ni Lovi sa kanya dahil nambuntis lang daw siya at iniwan si babae na lumaki ang tiyan. Tapos, hindi na nagpakitang muli.

Samantala, balitang hindi na halos nagkikita sina Marian at Dingdong ngayon pero may communication pa rin sila araw-araw at may goodnight talk pa sila over the phone.

Bukod sa Extra Challenge na kumakain ng ilang araw ng taping, may Temptation of Wife taping pa siya na nagsimula nang mag-taping.

Si Dingdong nga pala ay may ginagawang bagong movie sa Star Cinema at may indie film pa siyang tinatapos. Tuwing Sunday ay napanonood pa siya sa Party Pilipinas at Protege.

Ganyan ka-busy ang magdyowa kaya wala nang panahon silang magselosan pa.

***

Bea Binene nanumpa na bilang ganap na member ng Because I Am A Girl

WALANG pasubali na malaki ang tiwala ng Because I Am A Girl kay Bea Binene kaya kinuha siyang isa sa members nito at kasama pa ang isa pang Kapuso tween star na si Barbie Forteza. Dumalo sa oathtaking si Bea samantalang si Barbie, na isa rin sanang key speaker ng umagang iyon na ginanap sa Function room ng Sulo Hotel, ay ‘di nakadalo dahil may scheduled taping ng kanyang bagong soap, ang “Mariposa”, na katambal ang Tween star ring si Derrick Monasterio.

Bale sina Bea at Barbie ang Kapuso stars na napiling spokeperson sa mga kabataan. Samantala, nandun rin para manumpa bilang masugid na supporter at spokeperson rin ng I Am A Girl si Kuya Boy Abunda ng ABS-CBN 2.

Punung-puno ng members nang Because I Am A Girl ang umagang iyon at lahat sila’y ibig makausap at makamayan ang isang Bea Binene at Kuya Boy. Katulad nina Kuya Boy at Bea, naniniwala ang lahat ng members na dapat bigyan ng equal opportunity ang mga kababaihan. Bukod rito, pangunahin layunin ng NGO na ito na pag-ibayuhin ang edukasyon ng kababaihan sa lahat ng antas ng lipunan sa Pilipinas at sa buong daigdig.

Bukas ang loob ni Bea na tumulong sa lahat ng projects ng Because I Am A Girl basta lang ba may free time siya. Buti na lang at wala siyang taping nung Huwebes ng umaga nang nanumpa siya sa Because I Am A Girl dahil MWF ang kanyang taping ng bagong soap niyang Cielo del Angelina na malapit nang mapanood tuwing umaga sa GMA 7.

Masayang-masaya si Bea nang umagang iyon. ‘Di niya alintana ang anumang negative issues na lumilibot sa katauhan niya.

Ayon kay Bea, walang katotohan lahat iyon. Bakit niya iisipin ang negative issues na kumalat na ‘di naman totoo? (Charingggggg! Hahahahahahaha! – Ed) ‘Andyan naman sa kanyang tabi lagi-lagi ang Jabea Fans niya na laging umaalalay sa kanya anuman ang kanyang ginagawa.

Bukod pa rito ‘andyan si Jake Vargas, na ka-love team niya sa Cielo de Angelina na laging nakasuporta sa kanyang mga gawain para sa kanyang charity works na hindi humihingi ng anumang kapalit. Magkaibigan kasi sina Bea at Jake.

Mas gusto ni Bea na idaan lahat sa trabaho ang kanyang makabuluhang oras kaysa mag-entertain ng mga negatibong issues na wala namang katotohanan (Really? You think so? Hahahahahahaha! How gross! – Ed).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply