Marikina Mayor Del De Guzman naghain na ng CoC

PARA sa tuloy-tuloy na serbisyo-publiko at pag-unlad ng Marikina, pinangunahan ni Mayor Del De Guzman ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng buong Partido Liberal sa Marikina na tatakbo sa halalan sa 2013.

Ang paghahain ng COC ay naganap kaninang alas-8 ng umaga sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa ikatlong palapag ng Marikina Public Market, Brgy. Sta. Elena.

Kasama ni De Guzman sa paghahain ng COC  sina incumbent Vice Mayor Jose Fabian Cadiz na tatakbong muli bilang bise alkalde; Congressman Romero Federico Quimbo para sa  muling pagkakongresista ng Ikalawang Distrito  ng lungsod; ang mga tatakbong konsehal na sina (Unang  Distrito)  Frankie Ayuson, Eva Aguirre-Paz, Ronnie Acuña, Joseph Banzon, Mario de Leon, at mga muling kakandidatong sina Willie Chavez, Thaddeus Antonio Santos (Boy Bolok), at Samuel Ferriol; (Ikalawang Distrito) Ariel Cuaresma, Mark Albert del Rosario, Xy-Za Diazen, Ernesto Flores, Susana Magtubo, at mga nais sumubok na para sa pagkakonsehal na sina Kagawad Paul Dayao ng Brgy. Concepcion Uno, Kagawad  Ferdinand Sayasa ng Brgy. Fortune  at  ang baguhang si Ruben Reyes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply