Mark Neumann, dark horse sa male category ng ‘Artista Academy’

NAKAKUWENTUHAN namin sa conference room ng TV5 Studio sa Broadway Centrum si Mark Neumann, ang sinasabing puwedeng maging dark horse winner sa male category ng Artista Academy.

Panalo na agad sa looks, height at talent si Mark sa mga kalabang sina Vin Abrenica at Akihiro Blanco. Sa edad pa lang na 18, marami na itong paghuhugutan ng kanyang emosyon. Imagine at so young an age ay nagtrabaho na siya sa England para sa sustentuhan ang sarili at ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Bale si Mark ang tumutulong sa pamilya dahil retired worker na ang ama sa England. Nang makakuha ng pera sa retirement ay mas minabuti ng father niya na rito na lang sa Pilipinas manirahan.

Nakabili ng property ang kanyang father sa Batangas kaya rito na siya nanirahan nang magbakasyon siya last April. Tamang-tama na may nakakita sa kanyang talent scout at dinala siya sa audition ng Artista Academy sa Smart Araneta Coliseum.

Nang mapasama siya sa sampung nanganganib na ma-eliminate, na binigyan ng chance ang dalawang contestants na babae at lalaki para bumuo ng top 6, pinagbuti ni Mark ang mga challenges na ipinagawa sa kanila. Kabilang rito ang dancing at acting.

Buti naman ay may mga taga-Batangas ring sumuporta sa kanya para sa text votes.

Nagwagi sa boys group si Mark. Tinalo niya ang apat na candidates last Friday night sa Broadway studio ng TV5.

Ngayong last week ng October malalaman ang ultimate winners (babae at lalaki) na magwawagi ng tig-P10 million prizes in cash at in kind.

Kasama rin sa top 6 ang mga girls na sina Chanel Morales, Sophie Albert at Shaira.

000

GABI-GABI ay highlights ni Alden Richards sa ‘One True Love’

Dahil may sakit si Elise (Louise delos Reyes), ang minamahal niyang syota na nagbigay inspiration sa kanya para gawing matuwid ang kanyang buhay. Dahil sa mahal niya, naging daan ito para lawakan ni Tisoy (Alden), ang kanyang buhay. Pinilit niyang mag-aral hanggang makarating sa kolehiyo.

Nang nakapanayam namin si Alden sa set ng One True Love, kaya siya punung-puno ng emosyon sa kanyang pagganap sa soap opera at madali siyang magpatulo ng luha sa tamang emosyon, iyon ay dahil may pinagdaanan rin ang kanilang pamilya. Marami rin siyang pinagdaanan sa buhay na puede niyang paghugutan ng emosyon.

Ayon kay Alden, pag-umaarte siya’y inilalagay niya ang character niyang ipinu-portray sa kanyang sarili. Kaya kapag nasa harap ng kamera, siya talaga si Tisoy.

Nagtapos na last Friday ang soap nila ni Elise kaya by now, alam na natin kung happy ending ang love story nina Tisoy at Elise.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply