Martial Law sa bahay ng young actress!

ANG tindi talaga ng pag-uugali ng madir ng young singer/actress na ‘to.

Sa true, walang binesa sa kanya si Hitler kung pagiging domineering ang pag-uusapan.

Imagine, dahil sa tindi ng insecurity niya sa young actor na naging dyowa ng kanyang anak, pinalayas raw lahat ng stylists ni mudra dahil close to you raw ang mga ito sa aktor. Over! Hahahahahahaha!

Hitsura ng martial law sa buhay ng young actress talaga dahil sa Hitler na si Mudra.

Well, mga bago na raw ang nakapalibot ngayon sa batang aktres na, in fairness, ay may mga K naman talaga. ‘Yun nga lang, iba pa rin siyempre ang mga taong matagal niyang nakasama at gamay na gamay na niyang katrabaho.

Kung bakit naman kasi mahilig makialam si mudra sa mga eksena ng kanyang anak na wala nang ginawa kundi magtrabaho para sa kanyang pamilya?

Hindi kaya dumating ang araw na gayahin nito ang isang sikat na aktres ng dekada otsenta na biglang nilayasan ang kanyang pamilya at nag-hotel hopping dahil napuno na sa mga eksena ni mudra?

Well, hindi malayong mangyari. Sa tindi ba naman ng pagiging kati-katera ni mother na kahit nasa tamang edad na ang kanyang anak ay itinuturing pa ring menor de edad, the worst thing can happen. Hahahaha!

Mali ‘yan, madir!

Huwag masyadong swapang at bigyan mo naman ng kalayaang lumigaya ang anak mo, ano?

After all, she’s been working like a dog for the past decade, she needs to enjoy her life as well and find happiness with the man of her choice.

Huwag masyadong swapang mudra. Let her find happiness the hard way.

Kung magkamali siya, so what?

She’s old enough to take care of herself.

Masyado ka yatang afraid na mawala ang kayamanan mo na hindi naman sa ‘yo kundi pinaghirapan ng anak mo.

Palayain mo na nga siya. Matanda na siya, ano? Kung ituring ninyo para  bang underage pa siya. Hahahaha!
Kapal naman! Over sa kapallllll!

***

Julia Clarete guest sa Tropang Potchi

NGAYON Sabado (October 13), masayang kwentuhan ang ihahatid ng Tropang Potchi kasama si Julia Clarete.

Mukhang masaya nga ang ating ka-potchi na si Julian (Julian Trono) dahil sa lumipat na ng school ang pinaka-kinatatakutan niyang teacher na si Ma’am Dela Cruz. Kasabay naman nito ang pagbisita ng bagong teacher nina Sab (Sabrina Man) at Liane (Liane Valentino) na si Ms. Julie. Ginulat nga si Julian ng pangyayaring ito dahil si Ms. Julie at si Ma’am Dela Cruz ay iisa.

Samantala, ikinuwento naman nina Sab at Lenlen sa kanilang bisita ang kanilang naging adventure sa Robot Zoo at Animal Hospital. Sa Robot Zoo ay nakita nila ang napakaraming hayop na gawa sa metal, at isang maaksyong pagbisita naman sa ospital ng mga may sakit nating kaibigang hayop.

Natuwa naman sa pagbisita si Ms. Julie, pero itong si Julian, mukhang takot na takot pa rin!

Abangan ang kuwela at maaksyong kuwentong ito sa Tropang Potchi, 9am ng Sabado sa GMA7.

***

Sen. Angara, bubwelta sa mga bamabatikos sa Cybercrime Law

INISYUHAN kamakailan ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) ang kontrobersyal na Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Prevention Act of 2012. At sa gitna nang walang tigil na usapin at protesta laban sa pagpapatupad ng nasabing batas, buong tapang na haharap sa publiko ang pangunahing may-akda nito na si Senador Edgardo Angara sa The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado (Oktubre 13) upang bigyang linaw ang iba’t ibang isyung may kinalaman sa Cybercrime Law.

Ano nga ba ang pangunahing isinusulong ng R.A. 10175? Bakit ito tinututulan ng karamihan, partikular na ng online community? Sa kabila ng TRO at mga petisyon na kinikwestyon ang legalidad nito, naniniwala pa rin ba si Sen. Angara na kailangan ng Pilipinas ng batas tulad ng Cybercrime Prevention Act of 2012?

Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang ‘Ani ng Dangal 2012′ awardee na The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Si Solenn Heussaff  na naman ang binibiktima ni Ferminata

SI Solenn Heussaff na naman ang binabanatan ng oslang si Ferminata, ang AC/DC na ngangaera.

Predictably so, punung-puno na naman ng fantasy stories ang walang kredibilidad na ranggulites. Hahahaha!

Kesyo suplada raw si Solenn. Na mataray ito at hard to deal with. Hahahahahahaha!

Manalamin ka nga, lola para malaman mong ang mga ibinibintang mo roon sa tao ay sampal sa chaka mong mukha. Hahaha!

Ikaw nga itong plastikada’t ilu kaya na-realize siguro ng mga tao sa show n’yo, na di ko alam ang working title, (di raw alam ang working title ng show, o! Hahahahahaha!) na instead of becoming an asset ay nagiging liability ka kaya’t nilagay ka na lang sa may bandang gilid.

Nilagay sa bandang gilid na raw talaga, o! Harharharharhar!

What an ignominious demotion, I tell you! Hahahahahaha!

Kung bakit kasi pinagpipilitan pa rin ang istilo niyang nilulumot na’t di na in. Hahahahahahaha!

Isa lang ang masasabi ko. During our time, nakakuha kami ng twelve ad placements and it stayed with us for almost a year.

Nasira lang naman ang rating ng show nang papelan ng mga inggitera at may silent gag order na halos ayaw na kaming pagsalitain pa nina Morly Alinio at Rey Pumaloy.

At any rate, ano naman ang nangyari nang kunin nila si Ferminata, aber?

When Morly, Rey and I were ‘relieved’ from the show because they wanted to get the ugly Ferminata, (Hahahaha! a decison that they are now palpably regretting for some reasons too obvious for us to expound on..Hahaha!), the ad placements were improving and there were three or four new commercials then.

Suddenly, Ferminata came barging in even if she was supposedly still grieving over her mom’s demise.  Hahahaha!

Takot kasing di na siya kunin kung ganyang unti-unti nang nangagsisipagbalikan ang mga commercials. Hahahahaha!

Look who’s sorry now? Ang mahal-mahal ng talent fee, butata naman sa ad placements at ratings.

Ang sabi nga niyan, he who laughs last, laughts the loudest.

And I’m laughing now with all my heart. Hahahaha!  Buti nga! Hahahahahahahahahaha!

Nakakuha na kasi ng mga ginto sa katauhan namin nina Morly at Rey, kumuha pa ng oslang ngetpalites at tumutula-tula pa.

Loko! di natigbak kayo! Hahahahahahahahaha!

Hopeless na ang showbiz-oriented talk show ninyo as long as Ferminata is there.

Diring-diri na sa kanya ang mga otawzing dahil guranggetch na, chakado pa, makaluma pa ang dela.
Este, dila pala. Hahahahahahaha!

Ayokooooooooooooooohhhhh! Hakhakhak!

***

The best-looking actor in town!

MARAMI tayong mga may hitsurang aktor sa local show business pero ni isa man sa kanila ay di makakayang talbugan ang innate sex appeal, intelligence at charisma ng latest endorser ng Belo for Men products na si Dingdong Dantes.

Sa totoo, the guy oozes with natural intelligence and is charismatic through and through.

Ask him any topic under the sun and he can give you a most satisfactory and well thought of answer.

Unfading rin ang kanyang charisma at mapahihiya talaga ang ibang mga babae riyan kung kakinisan at ganda ng kutis ang pag-uusapan.

Hindi pa man kasi kinukuhang endorser ng Belo for Men products ay avid user na siya ng mga produkto nila dahil malaking tulong para huwag siyang magmukhang too stressed sa magdamagang tapings at shootings.

So, the next time you think of using your mother’s, sister’s or girlfriend’s skin care products, take it from
Dingdong. “Bro, men need Belo, too!”

Anyway, tulad ng mga nasulat na, malaking tulong para huwag masyadong ma-stress ang kanyang balat sa pahirapang shoot ng Tiktik: The Aswang Chronicles ang Belo products na never niyang nakalimutang baunin sa location shoot nila.

“It gives me confidence when I need it the most!” he enthuses. Oo nga naman.

Iba na ang protektado.

Ang komontra magiging kamukha ni Bubonika. Hahahahahahahahaha!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply