‘Martial law’ sa Taguig at putahan sa Parañaque

U-2 HEALTH CLUB, ito ang pangalan ng isang “massage parlor” sa Parañaque City na pinagpipiyestahan ngayon ng mga parokyanong mahilig sa short time na totnakan.

Nasa dulo lang ito ng Macapagal Boulevard kaya hindi gaanong mainit sa mata.

Ayon mismo sa isang insider, talagang malakas ang bentahan dito ng laman lalo na sa mga foreigner!

Katunayan, kung magtatanong lamang si Mayor Bernabe sa mga taxi driver na umiikot sa nasabing area, binabayaran ng U-2 management ang taxi driver ng P500 per head ng maihahatid nilang kostumer dito sa U-2.

Siyanga pala, Mayor Bernabe, ‘wag ka na lang magtanong sa kung kani-kanino, dahil ayon sa ilang babae sa nasabing “massage parlor,” malakas daw ang loob nilang magpatotnak dahil kumpare mo umano ang may-ari ng putahan na ito!

Ano ba talaga ang totoo?

-o0o-

DAHIL sa Temporary Restraining Order na ipinalabas ng Korte Suprema, hindi na muna maipatutupad ang masalimuot na “anti cybercrime law.”

Pero ibang klase, parekoy, ang kaganapan sa Taguig City.

Dahil sa napakapangit na pagpapatakbo ng Taguig-Pateros District Hospital, may nagpost sa “Facebook” tungkol sa mga kapalpakan nito.

At dahil alam nila ang katotohanan, may 16 na nurse na nagpahayag ng “like.”

‘Yun lang, parekoy, at ‘yun na ang dahilan . . . sinibak sila!

Tingnan n’yo kung hindi masahol pa sa “martial law” ito, para nag-like lang ang mga pobreng nurse ay bigla silang nawalan ng trabaho! Tangna!

Tapos magpapalusot pa ng kung anong anik-anik na katwiran itong si Mayor Laarni Cayetano. Samantalang halata naman talaga na ‘yung pag-like ang tanging dahilan ng pagkakasibak ng kawawang 16 na nurse.

‘Yan po, mga taga-Taguig, ang asal ng inyong mayor!

Siyanga pala, para sa hindi pa nakaaalam, si Mayor Laarni Cayetano ay dating “staff” ng kanyang asawa ngayon na si Sen. Alan Peter Cayetano. Na bumoto rin kaya naipasa ang “anti cybercrime law.”

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply