Marumi at madugong pulitika nagsimula na

MAYROON ba kayong napapansin, mga Bro, sa pulitika ngayon?

Nagtatanong tayo kaugnay ng pagsisimula ng paghahain ng kandidatura ng lahat ng mga kandidato sa halalang 2013.

Kung mapapansin ninyo, bago nagsimula ito, mayroon nang mga sinisilipan ng mga lumang kaso.

Mayroon ding mga sinisilipan ng mga bagong kaso.

At alam ba ninyo ang ginagawa rito?

Yung mga lumang kaso, binubuhay nila at yung mga bagong kaso, kinakalkal para mai-file sa hukuman.

ATTACK DOG

Ang masakit dito, mga Bro, idinadamay ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ahensiya na ginagamit ngayon ay ang Bureau of Internal Revenue at Commission on Audit.

Kung tutuusin, nagtatrabaho lang ang mga ahensiyang ito.

Itong BIR ay gusto lang na umalam kung nagbabayad ng tamang buwis ang kandidato.

At ang COA ay gusto lang umalam sa lahat ng mga transaksyon na pinapasok ng mga politiko, ang mga nakaupo at mga kakandidato ulit lalo na.

ANG PROBLEMA

Heto ngayon ang problema.

Nagsimula nang akusahan ang COA na attack dog ng mga maka-PNoy na kandidato.

Sigurado, madadamay rin ang BIR at babansagan din na attack dog ng mga kandidato ni PNoy.

Kasi ginagamit umano ng mga batang PNoy ang mga rekord sa COA at BIR na pangsira sa kanilang mga kalaban.

Aba, mabigat ang sasabihin ng COA na may anomalya sa transaksyon ng kandidatong kalaban ng kandidato ni PNoy.

Napakabigat din ang rekord, halimbawa, ng isang kandidato na sinasabihan ng BIR na hindi nagpa-file ng tamang Statement of Assets, Liabilties and Net Worth.

Mabigat dahil ang Chief Justice na nga tulad ni Renato Corona ay bumagsak, eh, ‘di lalong babagsak ang isang politiko?

Itong COA at BIR ang trumabaho kay ex-CJ Corona, sa totoo lang.

PAGSASAPA NG KASO

Ang kinatatakutan ng mga kandidato ay ang posibleng paggamit ng mga maka-PNoy na kandidato ng kanilang koneksyon sa COA at BIR.

Lalo na ang posibleng pagsasampa ng kaso ng mga ito laban sa kanilang mga kalaban.

Kung magsampa pa naman ng kaso ang COA at BIR ay pinagbibigyan ng mga piskalya at hukuman.

‘Yun bang === kung kinasuhan ka halimbawa sa Ombudsman, ay posibleng kasunod dito ang suspensyon sa posisyon.

Para sa mga incumbent na kandidato, mabigat ito.

Lalo na kung magtatagal ang suspensyon ng kung ilang buwan at aabot sa panahon ng halalan.

Pagdating kaso sa hukuman, Sandigandbayan o regional trial court, warrant of arrest naman ang susunod.

Sino ang makapangangampanya ng maayos diyan, mga Bro?

PARALISADO SA KAMPANYA

Paralisado sa kampanya, mga Bro, ang mga masususpinde, maaaresto at makukulong.

Masama pa ang dating nito sa mga botante.

Kahit na dinaraan lang sa impluwensya ang mga suspensyon at pagkakulong, may epekto ito sa mga botante.

Pero ang pinakamasama na epekto ay hindi makapangangampanya nang todo ang mga kandidato sa ganitong kalagayan.

Dahil yang lumaban sa Ombudsman at Hukuman ang aasikasuhin muna ng mga ito bago sila makapangampanya.

Mabuti kung nakauunawa ang mga botante.

At sa maraming pagkakataon nga, nalilibre na sa kaso sa Ombudsman at hukuman ang mga kandidato pagkatapos ng halalan.

Yan ay kung manalo sila at mapatunayan na harassment suits o kaso lang ang mga isinasampa laban sa kanila.

PATAYAN KAAGAD

Sa Zamboanga del Sur at del Norte, at sa Pangasinan, may mga tinodas sa unang araw ng filing of certificate of candidacy.

Lima ang tinodas.

May ilan sa mga ito ang kandidato.

Sigurado, may mga susunod pang pagpapatayin.

Mga kandidato, mga political leader, mga botante, mga titser.

Ang nakatatakot din ay kung masangkot ang mga militar at pulis.

Kasi bukas sa publiko ang pagdadala ng mga ito ng mga baril.

Mas matindi kung mamaril ang mga ito na hindi naman imposible.

Marami kasi ang mga magkakamag-anak na mga pulitiko at pulis at militar.

At nagagamit ang baril ng mga ito sa mga pampulitikang interes ng mga politiko nilang mga kamag-anak.

PRIVATE ARMIES

Ang sabi ni PNoy, palalansag niya ang mga private army
ng mga politiko.

Ilang taon o ilang dekada nang programa ito ng mga Pangulo ng bansa?

Walang ganap na nagtatagumpay.

Makaaasa na kaya tayo na mabubuwag ni PNoy ang mga malalakas na private army?

PNP, MILITARY, ARMY

Ang nakatatakot talagang private army ay ang mga pulis, militar at CAFGU.

Sa napakaraming pagkakataon, kung gamitin ang mga ito ng mga malalaki at maiimpluwensiyang politiko ay ganun na lamang.

Isang trak lang ng pulis at militar ang paparada sa harapan ng isang kandidato, hindi na siya magpapatuloy sa pangangampanya.

Natatalo ang mga militar, pulis at CAFGU na tauhan ng mga mas maliliit na politiko.

Paano ang ganitong kalagayan?
-000-

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply