Mas trip ang pribado para walang intriga!

FINALLY, it came out in the open na mag-on na nga sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. Matagal-tagal ring hinintay ng publiko ang pag-amin nila dahil lahat ay naniniwalang hindi tsismis lang ang pagkakaugnay nila sa isa’t isa.

Tanong rin nga namin kay Heart nang makausap naming sa Party Pilipinas recently. bakit nga ba she kept it for a while at hindi kaagad niya naamin ang tungkol sa pagkakamabutihan na nila ng Senador?

“Actually hindi naman sa hindi ko inamin,” ana’ng aktres. “Uhm… it’s something that you should happy about that you’re together with someone.

“A… it’s just that ano… kumbaga parang balato ko na lang sa akin ‘yon. Parang for once in my life, I wanted something that I can enjoy first on my own without announcing to the whole country na may boyfriend ako or something.

“So parang kumbaga, in-enjoy ko muna siya na sa akin lang pero nang tinanong naman nga ako, hindi naman ako nag-deny na… we are together.”

Ano ba ang nagustuhan niya kay Senator Chiz?

“He’s such a nice person. Seryoso siya pagdating sa mga dapat na seryosohin pero napaka-simpleng tao lang niya.

“Uhm… nakakatuwa kasi, he’s someone that you can really look up to kasi nakikibagay talaga siya sa iba’t ibang klase ng tao. And I learn so much from him.”

Ano ang pambihirang katangian ng Senador na para sa kanya ay mahirap Makita sa ibang lalake?

“Siguro ‘yong sincerity niya sa lahat ng tao. ‘Yon siguro. Kasi… especially he’s a politician. It’s really re- freshing to see somebody like that.

”Minsan tahimik siya. Pero napakabait niya. Nakatutuwa siya. He’s really down to earth. Such a simple person as well.”

Nakaka-pressure ba ang maging girlfriend ng isang senador?

“A… hindi ko pa napi-feel ang pressure,” sabay ngiti ni Heart. “But, uhm… again, this time around, in way, I’d like to keep things a bit private.

“Hindi naman sa may itinatago ako or anything. Just you know, ‘yong relaxed lang na kind of relationship. Siguro it’s better that way para nga hindi maunahan ng mga intriga.”

Does she think Senator Chiz is really the right one for her?

“A… in every relationship, you’d like to think so,” maikling naisagot na lang ni Heart.

Hindi na raw niya kinonsulta ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang sagutin na ang politikong Bikolano.

“No. I’m of age na kasi, e. Kaya wala nang gano’n pa.”

Ano ang reaction ng mga ito when it finally came out in the news na sila na nga ni Senator Chiz?

“Wala. Kung saan naman ako masaya, do’n rin sila. Ano naman sila, e… they’re very supportive with me.”

Nakapaninibago na ang karelasyon niya ngayon ay mas mature kesa sa kanya at politiko pa. Nasanay kasi ang publiko na ang nauugnay sa kanya ay artista rin at kaedad niya.

“It’s nice rin naman,” na maging karelasyon ang mas may edad sa kanya ang ibig sabihin ni Heart. “I learn so much.”

Dahil may mga anak na si Senator Chiz sa ex-wife nito, instant mom bigla si Heart kapag nagkatuluyan sila.

“Ayokong pag-usapan,” ang tungkol sa mga anak ng Senador ang tinutukoy ng aktres.

Hindi pa sila magkakilala ng mga bata?

“I don’t want to comment,” pag-iwas na nasabi na lang ni Heart.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply