Masama sa kalusugan ang magsunog o magsiga ng dahon sa bakuran

NAKAAAPEKTO sa ating katawan ang mga usok na nanggagaling sa malalaking pabrika, mga sasakyan at makinang nagbubuga ng usok.

Halos daan-daang iba’t ibang pollutants ang nakapaloob dito. Merong mga nakikita at meron ding mga hindi nakikita ng ating mga mata. Kung tatanawin mo ang lugar sa bandang Manila ay makikita mong ang air ay medyo “yellowish” at “brown haze” na nakalutang.

Ito ang nagdadala ng mga “contaminants” at merong mataas na antas ng “respiratory diseases” sa buong populasyon.

Kadalasan dito ay ang asthma, emphysema at bronchitis.

Walang kadudaduda na ang hatid ng air pollution ay deadly. Sa isang lugar na tinatawag na “freak weather condition ay kung saan ang mga namumuong mainit na ulap ay nakalutang sa malamig na hangin na nagiging sanhi ito para mawala ang bentilasyon ng hangin hanggang sa umabot sa mataas na konsentrasyon at nagkakaroon ng mapanganib na resulta. Ito ngayon ang tinatawag na “killer smog”.

Sulfur Dioxide na nanggagaling sa mga plantang gumagamit ng makina na kung saan ay bumubuga ito ng tone-toneladang usok na ating nalalanghap at nagiging sanhi ng pagkakasakit ng maraming tao.

Ang iba pang “major contaminants” na ating matagpuan dito ay ang “nitrogen oxides, lead, carbon monoxide, at hydrocarbons.

Ang “DENR-Clean Air Act” naman ay nagbabawal sa mga residente na magsunog o magsiga lalo na ng basura sa tabing bakod ng kanilang bahay.

At siyempre pa, ipinagbabawal patakbuhin ang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok sa ating mga kalsada na kung saan ay isa ito sa nagiging sanhi ng maraming Pilipinong nagkakaroon ng sakit na dala nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply