MASARAP NA KASALANAN (Ika-10 labas)

MATAPOS maubos kainin ang meryendang inihatid ni Helen, nahiga si Matias sa munting papag sa loob ng servants quarter upang magpahinga.

Hindi niya napigilan ang sariling muling damputin ang bold magasin na naiwan ni Mang Gardo at buklatin ang pahinang naglalaman ng bold picture at bold stories.

Kahit inilimbag ang magasin sa Metro Manila, mga babaeng foreigner ang laman ng larawan na hindi lamang maganda ang mukha kung hindi nagtataglay rin ng perpektong hubog ng katawan.

Dahil sa pagbabasa sa mga kuwentong may kaugnayan sa kalibugan at kahalayan pati na sa  pagmamasid sa hubo’t hubad na larawan ng mga babae, ang kaniyang katawan.

Wala siyang magawa kung hindi magkaroon ng biglaang pinagkaabalahan at nadamay pa ang walang kamalay-malay na si Helen!

Matapos ang ilang araw na pagtatrabaho bilang hardinero, karpintero, car washer at iba pang trabahong iniuutos nina Mr. and Mrs. Manyol, nakasanayan na ni Matias ang ikot ng buhay sa malaking bakuran at bahay.

Hindi lang niya nakapalagayang loob ang katulong na si Helen kung hindi pati na rin ang kasama nitong si Aling Bening na siyang matagal nang nagtatrabaho sa pamilyang kanilang pinaglilingkuran.

Mabait at nahulog din sa kanya ang loob ng may-edad na katulong kaya may mga sandaling kapag sila lamang tatlo ang naiiwan sa loob ng mala-king bahay at malawak na bakuran.

Marami silang pinag-uusapan, kung ano-anong paksang sa pagtagal pati na ang buhay ng kanilang mga amo kanilang ng natatalakay.

Doon nalaman ni Ma-tias na sa abroad nag-aaral ang dalawang anak ng mag-asawang Manyol na kapwa na dalaga at binata.

“Hindi rin perpekto ang buhay ng isang mayaman, mayroon ding pag-kukulang at kamalian.” Wika ni Aling Bening. iTUTULOY

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply