MASARAP NA KASALANAN (Ika-5 na labas)

INAASAHAN ni Matias na si Mrs. Manyol ang mabubungaran sa pagtatrabahuhang malawak na bakuran at malaking bahay ngunit nagkamali siya.

At hindi rin ang asawa nitong si Mr. Armando Manyol ang nagbukas kung hindi isang katulong na matagal niyang napagmasdan at natitigan.

Payak lamang ang dahilan, maganda ito at seksi ang katulong. Hindi niya ito nakita ng mag-ikot sila ni Mang Gardo sa kabuuan ng malawak na bakurang pagtatrabahuhan bilang hardinero.

Kinailangan pa siyang papasukin ng maganda at seksing dalaga bago humakbang papasok sa loob ng malawak na bakuran.

“A-anak ba kayo nina Mr. and Mrs. Manyol?” Tanong niyang nakatingin sa maganda at seksing dalaga matapos makapasok sa malawak na bakuran.

“Hindi no!” Natatawang sagot ng maganda at seksing dalaga. “Tulad mo rin ako mutsatsa sa malaking bahay at bakurang ito!”

“Ako si Matias, yung inirekomenda ni Mang Gardo na kapalit niya bilang hardinero!” Wika ni Matias na inilahad ang palad upang makipagkilala at tuloy makipagkamay sa dalagang inakalang anak ng may-ari ng bahay at bakuran.

“Ako naman si Helen.” Sagot ng maganda at seksing dalagang pinagbigyan ang gusto kong mang-yari ng binata.

“Hindi mo lamang ako nakita kanina habang umiikot kayo ni Mang Gardo sa bakuran dahil nagpapalit ako ng kurtina sa kuwarto ni ma’m!”

“Kaya pala. . .” Sagot ni Matias na ipinahiwatig sa bagong kakilalang dalagang naunawaan ang dahilan ng pagkabigla sa kanilang pagkikita. “Mali pala ang akala kong anghel kang nanaog sa lupa mula sa langit!”

“Bolero ka pala. . .” Sagot ni Helen.  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply