MASARAP NA KASALANAN (Ika-anim na labas)

“OKEY ‘yan, laging may low pressure area dito sa ating pinagtatrabahuhan!”

“Oy, hindi lang totoo ang sinabi ko. Totoong-totoo talaga!” Sagot ni Matias na agad ipinaramdam sa dalagang katulong nina Mr. and Mrs. Manyol ang malaking paghangad sa taglay nitong kagandahan at kaseksihan. “Tamaan pa ako ng kidlat kung nagsisinungaling ako!”

“Bukod pala sa bolero ka, sinungaling pa!” Natatawang sagot ni Helen na sinabayan ng pagtingin sa kalangitan. “Paano ka tatamaan ng kidlat? Nagbabaga ang sikat ng araw?”

Pagkatapos ng ilan pang pagpapalitan ng pangungusap, tuloy-tuloy ng nagpaalam si Helen at nagbalik sa loob ng malaking bahay upang gawin ang mga trabahong dapat pang gawin.

Hindi napigilan ni Matias ang sariling pagmasdan ang dalagang sa una pa lamang nilang pagkikita ay labis ng hinangaan ang kagandahan at kaseksihan.

Tiyak niya sa sarili ng mga sandaling ‘yon, nagkaroon na siya ng inspirasyon sa pagtatrabaho bilang hardinero at pa-minsan-minsang karpintero sa malaking bahay at malawak na bakuran ng pamilya Manyol.

Wala ang asawa ni Mrs. Manyol na si Mr. Armando Manyol dahil nasa isang business trip ngunit dahil sa rekomendasyon ni Mang Gardo tinanggap ng asawa nito si Matias sa trabaho.

Nalaman lamang nito ang kaniyang pagtatrabaho sa pagbabalik mula sa ibang bansa at salubungin sa pagdating sa kanilang bahay.

“Ikaw pala ang hardinerong kapalit ni Mang Gardo?” Tanong ni Mr. Man-yol kay Matias habang ipinapasok ang mga bagaheng dala nito mula sa abroad.

“Oho!” Sagot ng binata. “Matias ho ang pangalan ko. . . Matias San Agustin, kapitbahay ko si Mang Gardo!”

“Okey kung ganoon, kakilala niya ang inirekomenda niyang papalit sa kaniya.” Sagot ni Mr. Manyol. Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply