MASARAP NA KASALANAN (Ika-pitong labas)

“MARUNONG ka bang magkarpintero? ‘Yun kasi ang usapan namin sa irerekomenda niyang kapalit!”

“Oho!” Mabilis na sagot ni Matias na tila ipinahihiwatig na karapat-dapat siya sa trabaho.

“Mabuti kung ganoon!” Sagot ni Mr. Manyol na tuloy-tuloy pumasok sa loob ng magarang salas at niyakap si Mrs. Manyol.

Matapos maipasok ang mga dalang bagahe, si Helen at isa pa nilang may-edad na katulong ang nag-asikaso, si Aling Bening.

At tulad ng dati, hindi naiwasan ni Matias na lihim na pagmasdan ang dalagang katulong na sa una pa lamang pagkakita, hinangaan na niya ang pisikal na kaanyuan nito.

Isang bagay na nakadagdag sa dahilan kung bakit nagustuhan niya ang pagtatrabaho sa pamilya Manyol kahit bukod sa pagiging isang hardinero, karpintero pa kapag nagkaroon ng sira ang bahay at iba pang mga pasilidad sa loob ng bakuran.

At sa paglipas ng araw, ipinagpatuloy ni Matias ang pagtatrabaho sa bakurang hindi pangkaraniwan ang laking may nakatanim na ilang punongkahoy at mga namumulaklak na halaman.

Hindi niya maiwasang paminsan-minsang sulyapan ang bahay na kinaroroonan ni Helen sa pagbabakasakaling makita ang dalaga at mapagmasdan kahit saglit lamang.

Ngunit hindi niya nakita kahit anino ng dalagang katulong na pinapantasya ang kagandahan at kaseksihan.

“Tiyak, abalang-abala siya sa pagtatrabaho tulad ko.” Wika ni Matias sa sariling pinilit maging abala sa trabaho upang malibang at hindi mainip sa uri ng trabahong araw-araw na ginagawa.

Matapos ang pagtatrabaho ni Matias sa loob ng bakuran, nagtuloy na siya sa servants quarter na nakalaang tirahan ng hardinerong magtatrabaho sa pamilya Manyol.

Magulo at maraming kalat sa pansamantalang tirahang hindi nakapagtataka dahil lalaki ang pinalitan niyang trabahador.  Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply