MASARAP NA KASALANAN (Ika-siyam na labas)

“MERYENDA ka muna, Matias. . .” Wika ni Helen na ibinaba ang dalang tray sa isang maliit na mesa sa loob ng servants quarter.

“Salamat!” Sagot ni Matias.

“Kapag nagugutom ka na at hindi pa namin na-ihahatid ni Aling Bining ang pagkain mo, kunin mo na lang sa loob.” Wika ni Helen. “Gawin mo ang ginagawa ni Mang Gardo noong siya pa ang hardinero, karpintero at car washer ng pamilya Manyol!”

“Hindi sa akin nasabi ni Mang Gardo na pati kotse lilinisin ko. . .” Wika ni Matias na tinanaw ang kotseng nasa garahe ng pamilyang pinagtatrabahuhan.

“Sabagay, okey ‘yon, paminsan-minsan kong nararamdamang mayaman habang naglilinis ng kotse!”

“Huwag mo agad husgahan ang buhay mo, Matias. . .” Wika ni Helen.

“Malay mo makapag-abroad ka o tumama sa lotto!”

“Kapag nagkatotoo ang sinabi mong ‘yan, matutuwa ka rin ng husto!” Pabirong wika ni

Matias. “Alam mo kung bakit?”

“Bakit naman?” Kunot-noong tanong ni Helen.

“Kasi, babalatuhan kita. Sobra naman sa akin ang perang ‘yun higit kung sa lottong milyon-milyon ang tinatamaan.” Wika ni Ma-tias na inilihim ang tunay na ibig sabihin sa dalagang lihim na nililiyag.

“Bah! Okey ang plano mo, hindi ko ‘yan tatanggihan. Hindi ba may ka-sabihang lumalabo ang mata ng taong tumatanggi sa grasya!” Sagot ni Helen. “Sige tumaya ka ng tumaya sa lotto!”

“Ano bang buwan, taon at araw kang ipinanganak?” Tanong ni Matias na nakatingin sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng servants quarter.

“Bakit?” Muli, tanong ni Helen. “Siguro, aalagaan mo ang mga numerong may kaugnayan sa aking kapanganakan!”

“Tama ka!” Mabilis na pag-amin ni Matias.

“August five nineteen ninety!” Sagot ni Helen na nagpaalam na upang bumalik sa bahay ng pamilya Manyol. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply